O Banal na Espiritu, Na nakabubuhay; Pag-ibig pag-alabin Mo Sa pusong lupaypay.
Diwa nami'y itaas mo, sa lupa'y alisin! Saka kami ay hahayo Upang tuwa'y kamtin.
Ang aming mga kalul'wa'y Gisingin sa awit; At ang pag-aalinlanga'y Ganap na iligpit.
Ama, sa lagay na ito Di nais mabuhay; Dakila Ka, kaya naman Iibiging tunay.
O Banal na Espiritu, Na nakabubuhay; Sa 'min pag-ibig ni Krito'y Iyong idampulay.